Saturday, October 07, 2023

Sarado

 

Puno ang simbahan

Maraming deboto

Ngunit sarado ito


Bukas ang ilaw

Nagsisimba ang mga tao

Ngunit sarado ito


Bakit kamo?


Dahil sa bawat may pumasok, 

mula ulo hangggang paa,

sinusuri't sinusukat ng mga 

beteranong parokyano, 


Nagtatanong, naninimbang:

Bakit sya nandito? Bakit ganyan ang kanyang suot? Bakit sya ang napiling pinuno ng organisasyon?

Nagtatanong na wari mo'y sila lang ang may karapatan sa kaligtasan at pagmamahal ng Panginoon.

Sarado ang simbahan

Puno ito ng mga banal na aso at santong kabayo.

Sarado dahil matigas at nakasara ang puso at isip ng mga taong layko.